Friday, October 9, 2015

Si Isko at ang Bolang Lumiliko (the Francis Carangan Show)


Tila naubos ang aking “spokening English” sa mga nakaraang blog.  Hindi ko na matiis, tama na muna, kelangan ko nang mag-Tagalog at bumalik sa mga salita ng lupang tinubuan.  Dugong Rizal ay malakas na dumadaloy sa aking mga ugat (salamat sa mga Calambenyong mga ninuno!), sadyang di ko mapagkaila ang sariling wika! 


Ika-apat na linggo na ng 2015 Philly Pinoy MFL nitong nakaraang Linggo, ika-4 ng Oktubre 2015.  Nagmistulang rosas na karagatan ang Limerick Bowl sa ating WEAR PINK day.  Sinuwerte rin tayo at naroroon ang ating resident photographer na si May Liboon at tayo’y nakodakan, yebah!  Masdan ang mga ngiting mala nagbebenta ng sipilyo = ting!

 


 
Tula muna, at isang masayang sigaw para sa aking mahal na Team Kalabasa…. (salamat sa Kodak, May)

 
One Kalabasa
Two Kalabasa
Three Kalabasa
Four 

Desi Kalabasa
Gabe Kalabasa
Jing Kalabasa
Score!
 
Team Kalabasa
Tayo’y umaasa
Tayo ay makaka
Win
 
Go Kalabasa
Score Kalabasa
Desi, Gabe at
Jing

 


 
Siyam na linggo nalang ang nalalabi bago makoronahan ang mga magwawagi sa ating paligsahan.  Sino ang magtatagumpay?  Sino ang mananatiling sawing palad at tila tinadyakan ng tadhana sa balat ng lupa? Malalaman natin…  Nguni’t marami pang labanang mangyayari bago tayo dumating sa katapusan ng ating munting liga.  Marami pa akong empanada ni Alice na kakainin (uy, order na kayo…) at blog na susulatin.  Marami pang bowling, maraming pwedeng mangyari!

Noong ikatlong linggo, sa pagdalo ng Santo Papa, tila pinagpala ang mga katauhan, at sadyang nagtaasan ang mga marka ng marami!  Bumalik po tayo sa katotohanan ngayong nakaraang linggo: balik na po sa normal at dating gawi ang madla. 

Nguni’t subali’t datapwa’t hindi suwerte-suwerte lang ang magandang laro ng manglalarong taga Team Luya na kapangalan ng Santo Papa.  Tuloy tuloy ang kanyang magandang laro  na mala-bulalakaw sa himpapawid ngayong linggo, kaya’t ang blog na ito ay ipinangalan sa kanya. Si Atit (Francis, Isko na rin) Carangan: mula nang nilaro niya ang dating bola ni Jops Datu na mas may kabigatan at may konting liko, naging bibigatin siya sa bolingan!  Pagmasdan ang pagsabog ng mga bolilyo sa paghataw ng kanyang bolang bilog, ang sunod sunod na ekis at marka niya, ang kanyang malaking ngiti (naks!), ang pagtalikod niya bago tumama ang bola: hanep!  Bow kami sa iyo, Atit, super galing mo!  Ikaw muli ang Manglalaro ng Linggong ito (player of the week), si Isko at ang kanyang bolang lumiliko!  Salamat sa Kodak, May (ganda ng ngiti, naks!).

 


Heto ang mga kwentong kutsero ng ika-apat na linggo ng MFL:


Lanes 21-22:  Nahirapan ang Team Patani (Rolly, Chona at Romy) sa Team Bawang. Nirebentador ng Bawang ang Patani: sabog!  Apat na punto ang napunta kina Jojo, Chelo at James ng Team Bawang.  Sadyang kay galing nila.  Mataas ang marka ni Jojo.  Si Chelo ay naging mala diyosa sa bolingan, sambahin o sambahin! Hanggang langit ang naabot ng matataas niyang marka! Sumakit ang leeg ko sa pagtingin….kay galing!  At numero uno pa rin si James, matinik! (At nagtatampo pa rin ako kung bakit hindi siya ganyan humataw nung nasa Team Papaya kami…).


Lanes 23-24: Dahil sa mga prebowl iskor ni Nonoy ng Team Luya na ngani-nganing sumayad sa lupa, napilitan sina Gigi at Atit/Isko na gumawa ng maliit na mirakulo.  Santisima! Sinagot ang kanilang mga dasal!  Anak ng tipaklong, pilit mang humabol nina Marlon, Eden at Rico ng Team Talong, walang laban sa kalakasan.  Hanggang naubusan nalang ng gasolina ang Team Luya sa pangatlong laro, at nakakuha ng isang punto ang Team Talong: lumamang lamang ng sampung punto, yebah!


Lanes 25-26: Kalaban ng aking mahal na Team Kalabasa ang mga multo ng Team Linga.  Parang praktis lang, walang presyon, relaks lang, kaya ang galing namin!  Desi ang Desimator! Wowowee! Kaya ang bilis namin, strike ng strike, yebah! (Mabagal lang dahil sa akin, maraming inaasikaso...)  Gabe! Lahat ng laro niya ay above average, yeah!  Oks lang naman ako, may ikagagaling pa, sa tingin ko….  Apat na punto para sa Kalabasa: “4 in week 4, 10-4!”


Lanes 27-28: Dahil absent si Jun (blind/bulag) at may prebowl si Edmer, nag-iisa lang si Mitchie sa Team Upo laban kay Grace at Blue ng Team Mustasa (absent/blind din si Paul).  Naisahan ang Mustasa ng nag-iisang Upo: kay galing ni Mitchie Pie, kahit solo flight!  Ang aking mahal na anchor batter ay bumalik sa kanyang dating kagalingan nitong nakaraang Linggo: o kay saya ko para sa kanya!  Nakabawi nalang sina Grace at Blue sa pangatlong laro.  Tatlong punto para sa Team Upo at isa sa Team Mustasa.  Galing-galing ni Mitchie!


Lanes 29-30: Nakatatlong puntos ang Team Labanos sa Team Kamatis makatapos ang kanilang makabagbag damdaming labanan.  Tila laging makabagbag damdamin ang mga laro ng Team Labanos: mukhang madrama ang kanilang paglalakbay sa ligang ito…  Kay ganda ng prebowl ni Ed ng Labanos, at siya ring ganda ng laro ni Rosie! Sa Team Kamatis naman, kay taas ng prebowl iskor ni Giovie, at siya ring galing ni Raul!  Tila ang mga minalas sa kanila ay ang mga anchor nila na sina July ng Labanos (prebowl) at Paolo ng Kamatis.  Nanghihinayang si Rosie dahil may pag-asa sanang magwaliswis kawayan ang Labanos kung hindi lang natalo ng apat na puntos sa pangatlong laro!  Sayang!  Sa susunod nalang….


Lanes 31-32: Nagreunion ang aking GoPapa Joel ng Team Singkamas kina Lolet at Lino ng Team Sibuyas, na dati niyang kalaro sa Team Atis sa MFL 2014 (nagpalit lang sila ng Joel ngayong taon).  O kay ganda ng ating musika at pati na rin ng laro nina Michael (prebowl), Mila at JoelC ng Singkamas.  Nguni’t di pahuhuli sina Lino, Lolet at JoelD, na biglang humataw sa pangalawa at pangatlong laro, matapos silang lampasuhin sa unang laro!  Parang nagbanggaang bagyo: mala-sigwang labanan, galing!  Split po, tigdalawang puntos ang Sibuyas at Singkamas.  At buong linggong pinagsisisihan ng aking dakilang kabiyak ang mga 10-pin na hindi niya na-convert sa panggatlong game…


Lanes 33-34:  Tila suwail ang mga bola at taksil ang langis para sa Team Sitaw at Team Patola at nagbabaan at nagsibagsakan ang kanilang mga marka sa araw na ito, maliban kay Dennis, na parang talang kumislap sa gitna ng kadiliman, isang bituing tuloy ang pagningning para sa Team Patola. Tigalawang puntos sila nang matapos ang lahat…at nakahinga silang lahat ng maluwag nang sila’y nakaraos.


At nakaraos rin tayo sa mga kuwentong kutsero.  Heto na ang mga istariray ng linggong ito!


200 CLUB: Super yebah-ebah-ebah: congratulations!
·        JoelC_Singkamas (226)
·        JoelD_Sibuyas (214)
·        Desi_Kalabasa (212)
·        James_Bawang (210)
·        Atit_Luya (202)
·        Romy_Patani (200)


PROS.
Naglaro po sila ng mga 10 pins lampas sa dating average: Kabigha-bighani!

·        Player of the Week (2nd week in a row!) Atit_Luya: Week 4 avg 177 (137 dati). Scores 190, 202, 139.  Luyang Nagpaluha, nakamit mo ang inaasam-asam na dalawang daang iskor, galing! Congratulations!

·        Ed_Labanos: Week 4 avg 158 (124 dati). Scores 199 (!), 136, 141. Wow! Super taas, naging PRO talaga!

·        Dennis_Patola: Week 4 avg  148 (128 dati). Scores 142, 146, 158.  Yebah!

·        Desi_Kalabasa: Week 4 avg 186 (155 dati). Scores 212 (wow!), 189, 157.  Super galing-galing!

·        Mila_Singkamas: Week 4 avg 121 (104 dati). Scores 130, 107, 128.  Hanep!

·        Mitchie_Upo: Week 4 avg 158 (141 dati). Scores 161, 156, 157.  Yehey!

·        Rosie_Labanos: Week 4 avg 141 (126 dati). Scores 149, 123, 161.  Okay na okay!

·        Giovie_Kamatis: Week 4 avg 138 (126 dati). Scores 127, 128, 161 (!)  Kasindak-sindak!

·        JoelD_Sibuyas: Week 4 avg 187 (177 dati). Scores 189, 214, 160.  Super duper!


 
TEAM OF THE WEEK: Wah na ko say kundi yaba daba doo, we love you! Congratulations sa Team BAWANG, ang ating TEAM OF THE WEEK!

·        Ang kanilang anchor na si James ay nag-score ng 210, 194 at 171.  Previous average ay 199, bumaba pa nga po sa Week 4 nguni’t top banana pa rin sa kalalakihan. Super wow!

·        Ang Incredibowlicious bootylicious ex-BowlStar teammate kong si Chelo Babe ay humataw ng 132, 176 at 157 (155 average) nang may 123 past average.  You go, girl!

·        Jojo, silent but deadly...  Scores niya ay 151, 115 at 162 samantalang 139 ang dating average niya!  Yes, Sir, you are a bowler, Sir!

 

SHINING STARS (Mga Bituing Ningning ng Ningning).
Bling bling
Tuloy ang ningning
Kumukuti-kutitap
Sila'y over the top!


·        Gabe_Kalabasa (136 + all scores above average!)
·        Grace_Mustasa (146)
·        Michael_Singkamas (147)
·        Lino_Sibuyas (157)
·        Alice_Sitaw (164)
·        Gigi_Luya (165)
·        Raul_Kamatis (165, 168)
·        Marlon_Talong (172)*
·        Jing_Kalabasa (172)*
·        JoelC_Singkamas (191, 226)*

 * Mga laman ng kotse Capucao = suwerti! 
 


TOP MALE PLAYERS:
1.      James Que of Bawang 197
2.    Romy Liboon of Patani 194
3.    Paolo Quimbo of Kamatis 189
4.    Joel Capucao of Singkamas 181
5.     Joel Deo of Sibuyas 179.7
6.    Rico Lontoc of Talong 179.0

 

TOP FEMALE PLAYERS:
1.      Jing Capucao of Kalabasa 159
2.    Mitchie Masanga of Upo 147
3.    Alice Deo of Sitaw 146
4.    Lanie Santos of Patola 143
5.     Chelo Compendio of Bawang 131
6.    Rosie Cainglet of Labanos 130

 

MFL Team Standings - Week 4 (also on Limerick Bowl website):

 

TEAM TEAM Members Current Total   Wk 4
RANK win loss   win loss
Singkamas JoelC, Mila, Michael 1 11 5   2 2
Luya Nonoy, Gigi, Francis 2 11 5   3 1
Bawang James, Chelo, Jojo 3 10 6   4 0
Kalabasa Desi, Jing, Gabriel 4 10 6   4 0
Talong Rico, Eden, Marlon 5 10 6   1 3
Upo Edmer, Mitchie, Jun 6 10 6   3 1
Patola Edwin, Lanie Dennis 7 9 7   2 2
Labanos July, Rosie, Ed 8 8 8   3 1
Kamatis Paolo, Giovie, Raul 9 7 9   1 3
Sibuyas JoelD, Lolet, Lino 10 6.5 9.5   2 2
Mustasa Blue, Grace, Paul 11 6.5 9.5   1 3
Patani Romy, Chona, Rolly 12 6 10   0 4
Sitaw JonC,  Alice, Roy 13 6 10   2 2

 
Aba, masaya ang aking GoPapa JoelC: numero uno pa rin ang Team Singkamas niya, dalawang linggo na.  Nawa'y magpatuloy...tuloy ang ligaya!


Nanalo ng $33 si Edwin Santos sa 50/50 Lucky Ticket Raffle: congratulations!  Thank you kay Alice Mercado, Raffle Queen.  May $103 total dagdag na sa ating mga premyo mula sa raffle!

 
Maligayang kaarawan kina Eden, Desi, JoelD at Romy!  Happy na, Birthday pa, at may MFL bowling pa = bonus!  Salamat sa photo, May!
 

 

MGA PAALALA:
·        Walang theme sa darating na linggo (maskipops attire, no bahag). 
·        Ihanda ang kasuotan sa mga darating na linggo:
o   Week 6, OCT 18: Filipino shirts
o   Week 8, NOV 1: Bowloween = Halloween costumes (Rated G only please, no bahag pa rin)
o   Week 10, NOV 15: Philly teams
o   Week 12, NOV 29: Filipino shirts
o   Week 13, DEC 6, FINALS: Team shirts

 

Hinalukay, o kantutay, at halos mahimatay
Pilit hinanap, hinagilap mga salitang naaangkop
Ipahiwatig at ilarawan ang nais ipadama
Sa inyo, mga mambabasa, mga pangyayaring ito
 

Ipaalam, ipamahagi, ibalita, ilista
Tunggalian at bakbakan, kapalarang napala
Karangala’y ipamahagi, katuwaa’y balikan
Muli pang isariwa kaina’t kwentuhan
 

Pag mga linggo’y nabilang na at liga’y magtapos
Ligaya’y hahanapin sa paghihikahos
Nguni’t blog pwedeng basahin, pwede pang balikan muli
Alaala ng lumipas, mabubuhay lagi

 

Salamat po...  Ubos na po ang Tagalog ng inyong lingkod!


Kitakits sa bolingan, mga kaibigan!

 

 

No comments:

Post a Comment