Sa ngayon, kalimutan muna ang kalamigan. Ipagpaliban ng panandalian ang taimtim na paghahanda para sa nalalapit na pagtutunggali sa ating liga ngayong Biyernes, upang subukang sagutin ang pagsusulit sa ating Pahabol blog ngayong linggo. Kilalanin ang inyong mga kapwa manlalaro at ang kanilang mga pangkat. Subukang basahin at bigkasin ng dire-diretso hetong blog, mala-Balagtas at mala-Rizal (hindi mala Kris Aquino, hacheche!), habang sabay hinahalukay ang nais ipahiwatig ng mga malalalim na pangungusap at parirala. Gunitain ang mga alala ng mga leksiyon natin sa Pilipino (nung unang panahon, nung mga musmos pa po tayo) sa pamamatnubay ng mga dalubhasang ginang at ginoo na nagsumikap na ipabatid sa atin ang wastong pagbigkas ng ating sariling wika.
Heto na nga ang pagsusulit (QUIZ), bago tuluyang mamilipit ang inyong mga dila at utak sa mga kasulatan kong kelangan hukayin ng pala: alam kong pagod na kayong magpala...ako rin...kaya tama na, hala!
- Sino ang tatlong mag-asawang naglalaro sa ating liga? Sa ano-anong pangkat sila naglalaro?
- Ano ang tatlong pangkat (team) na may babaeng manlalaro?
- Ilan sa ating manlalaro ang kaliwete at sino-sino sila? Ibig kong sabihin ay yung kaliwang kamay ang ginagamit pambato ng bola = niliwanag ko lang dahil may iba nga namang konotasyon ang "kaliwete", wika ni Atit....
- Ilan sa ating manlalaro ang dalawang kamay magbato ng bola?
- Sino sa ating manlalaro ang may bigote o balbas o pareho? (Hindi po kasama ang mga babae sa tanong na ito....)
- Ano ang kulay ng bola ni Rachel ng Pangkat Bowlerines?
- Puro naka-500 na serye ang bawat miyembro ng pangkat na ito nitong nakaraang linggo. Abangan, sila po ang makakalaban ng Bowlinators ngayong Biyernes, hala!
- Kakulay daw ng anong pangsaklob sa katawan ang bola ni Desi ng Pangkat Bowleros?
Wala pong kuryente at nalululon sa matinding kalamigan at kadiliman ang maraming parte ng Chester County, nguni't may kuryente at tuloy daw po ang ligaya sa Downingtown Bowling Palace. Kasalukuyang nakikisipsip ng kuryente si BowlStar Jing sa mga nabibilang na saksakan sa Wegmans. Nawa'y matapos na ang mga brownout, matapos na ang taglamig, matapos na ang pagpapapala: tama na, sobra na! Nguni't subali't datapwa't may darating pang bagyo ng nyebe ngayong linggo: wala bang katapusan ang kabuwisitang ito? Meron naman, habang may buhay ay may pag-asa! Kaya't umasa tayong may hangganan ang ating pagdurusa, at merong mainit na tubig (at kape) na naghihintay sa dulo ng walang hanggan....
Hanggang sa muli: kitakits sa bolingan!
PANOORIN: Philly Pinoy Sports Center FWL Week 3 X-Men vs Bowlinators Interviews. Handog po ito ng ROYCOM Productions ni Dr. Roy Compendio (a.k.a. Roysterize) = galing galing!
MGA KASAGUTAN SA PAGSUSULIT:
- Joel DEO - bAll In at Alice DEO - Bowlerines, James QUE - BowlDawgs at Grace QUE - Bowlerines, Joel CAPUCAO - Lords of the Lanes at Jing CAPUCAO - Bowlinators
- BOWLERINES (Grace, Alice at Rachel), PINKILLERS (Brenda at Ming), BOWLINATORS (Jing)
- TATLONG Kaliwete: Art - BOWLEROS, Dennis - BOWLEROS at Olee - BOWLDAWGS
- Nag-IISA lang po siya: Olee - BOWLDAWGS (ang pagbabalik ng panday...)
- Sa oras ng pagsusulat nitong blog, dalawa po sila at parehong LORDS of the LANES: si JoelC (GoPapa!) at si Roy, Philly Pinoy Sportscenter Sportscaster. Koreksiyon: Tatlo pala po sila! Patawad kay Raul ng PinKillers at nakaligdan ko siya. Salamat kay Ed na kapangkat niya para sa koreksiyon!
- GREEN (tulad ng utak ni BowlStar Jing...)
- My my my my BOWLEROS!!! Patay kang bata ka, takot ako, ang gagaling po nila! Basahin ang BLOG ko sa kanila nitong nakaraang taon.
- Kulay PANTY daw po, ayayay!
No comments:
Post a Comment