This Friday night was the finals of the Philly Pinoy Bowling League - huling hirit na po! Last dance, last chance but not for love...last chance to WIN!
Congratulations to all the winners last night and especially to our bagong kampiyon, my Bowleros! I cannot relate the details of the matches and final outcome any better than our very own Commish Jay (see web post when available on our website at phillypinoy.org). So magtutula nalang ang inyong makatang lingkod, the poetic (in more ways than one) BowlStar.
Sa halip na magblog
Ako po ay natulog
Jetlag pa 'ka 'ko
Pero pikon dahil talo!
Medyo naghihinakit
Sa laro kong pangit
Urong-sulong, wari'y di marunong
Sa kasabwat di nakatulong
Pero masayang masaya ako
Sa mga seksing kakampi ko
Mga BowlStar silang tunay
Pinakita ang kanilang husay
Mga asawa naming maaruga
Mabagal man nagsimula
Nguni't sa init ng paglalaro
Sa ami'y di na sila nagpatalo
Kaya sa giyera de patani
Mga lalaki ang nagwagi
Mga hari ng tahanan
Litaw ang kakanyahan
Kay bilis naman ng panahon
Lumipas mga Biyernes na nagtipontipon
Lungkot ang nadarama
Liga natin ay tapos na
Tuloy tuloy tayong maglaro
Sa bolingan magkikita po!
Hanggang sa susunod
Ako ang BowlStar niyong lingkod
(Bow)
Score Sheet for Lanes 27-28: LOL vs BS match for 7th and 8th place
No comments:
Post a Comment